"Tabi po" - 2 years na!
May 4, 2012
Mga giliw kong mambabasa,
Dalawang taon na ang nakakalipas nang simulan ko ang aking sariling komiks na pinamagatang "Tabi po". Tulad nang sinabi ko dati somewhere sa internet, matagal ko nang pangarap na gawin tong komiks na to. High school pa lang at college, kino-conceptualize ko na to. Kaya nung magdesisyon akong mag-resign sa trabaho noong taong yun, ginawan ko talaga ng paraan para matupad ito kaya nung May 2010, ni-launch ko ang http://www.tabi-po.com at itong image na ito ang una ninyong nakita:

Toy figurines [images]
May 2, 2012
Noong 2010 ata yun, after kong mag-resign sa dati kong trabaho, namiss kong magpinta at gumawa ng something gamit ang mga kamay ko (puro computers kasi gamit ko nung mga panahong iyon).
Kaya ang ginawa ko,

Fan Art [images]
May 2, 2012
Paminsan-minsan, gumagawa ako ng fan art bilang pagpupugay sa mga bagay-bagay na napapanood at nababasa ko.

Read "pakikisalamuha" online [comics]
May 2, 2012
Ang kauna-unahang short story na ginawa ko para sa The Quarterly Bathroom Companion Comics Compendium, "Pakikisalamuha".
Ito ay tungkol sa isang lalaking di pa alam kung anong gusto nyang tahaking landas pagka-gradweyt na dinalaw ng isang hindi inaasahang bisita.

"Tabi Po" book2 sa ipad, malapit na! [video]
May 2, 2012
Malapit nang matapos ang "Tabi Po" book2 - international edition sa ipad.
Sa video na ito, makikita kung ano'ng mga pwedeng asahan sa ebook na to.

Maligayang pagdating sa pinaka-walang kwentang website sa balat ng internet!
May 1, 2012
Ayan! sa totoo lang matagal nang under construction ang website na ito kaya naisipan kong lagyan naman ng laman para magka-kwenta naman ang pagpunta nyo dito.
Ganito kasi yan, noong unang panahon kasi, uso ang flash. At nung mga panahon ding yun, flash ang expertise ko (hanggang ngayon) kaya naisipan kong gawing flash site ang website na to. Pero dahil busy ako noon (hanggang ngayon), di ko na rin natapos gawin yung flash site. E, ngayon, laos na ang flash dahil sa apple. Di kasi nila sinusuportahan sa ipad (pronounced as "ay-ped" para ma-distinguish sa ipod na prino-pronounce naman na "ay-pad") nila. Kaya heto tayo ngayon, simpleng website na blog type na lang.
Ang totoo nyan, di ko nga alam kung ma-me-maintain ko to. Pero tingnan na lang natin. Maglalagay na lang ako ng mga walang kwentang bagay dito tulad ng picture ng mga pusa, viral videos, etc. pag wala akong ibang maisip na ilagay.