Comic Project: "Cicada"

Ahoy! Isa nanamang magandang balita. Mayroon kaming isa nanamang comic project ni Noel Pascual. At mukhang ito ang una ninyong makikita nang buo kasi paid na raket ito at malapit na ang deadline actually. Kinontak kasi ako ng isang friend ko na may Design/Web Development studio para mag-collab sa isang experimental na paraan sa storytelling. Di ko pa pwede sabihin sa inyo ang detalye tungkol dito. You'll just see it when it goes live. 

Anyway, wala akong maisip na storya kaya tinimbrehan ko nanaman si Noel. At sakto, maraming-marami na pala syang nakatambak na mga storya na naghihintay lang magawa. Ayun, so nadevelop namin ang "Cicada". It's a horror story. Here are a few sketches I did. 

Ayun lang muna. I-wish nyo na umabot ako sa deadline dahil marami pa kong idrodrowing dito.