Comic Project: "Makina"

Ang aking ultimate dream ay dumating ang araw na wala na kong ibang gagawin kundi gumawa ng comics. Wala nang work, wala nang raket-raket, wala nang meeting-meeting. Kumbaga sana dumating ang araw na kikita ako enough para ma-sustain ang aking pamumuhay (pati parents at kapatid ko) sa pamamagitan lang ng paggawa ng comics. That way magiging mas prolific akong comic artist. 

Pero bakit ko hihintayin ang araw na yun kung pwede ko naman isingit ang paggawa ng komiks sa gitna ng aking pagtratrabaho? Kaya nga nagagawa ko ang "Tabi Po" ngayon. Sadya lang nga talagang hindi maiiwasan na mangyaring "life gets in the way". Kaya kailangan ko na tanggapin na ganito muna ako makakagawa ng komiks. Tuwing pahinga sa raket.

Having said that, Mayroon akong binubuong panibagong komik kasama si Noel Pascual. Kung di nyo sya kilala, baket? Sya ang nagsulat ng makulet at bibong-bibong "Crime-Fighting Call Center Agents" at "Ana - ang katulong na maraming ginagawa" na iginuhit ng pagkagaling-galing na si AJ Bernardo.

Ang poster sa taas ang unang artwork na inyong makikita tungkol sa bagong komiks na ito. Sa unang tingin pa lang, malalaman nyo na na malayong-malayo ito sa mundo ng "Tabi Po" (at least for now. Book3 of TP will be in the present time as well). Kaya ko rin talaga naisipan na gumawa ng isa pang komik ay para hindi ako magsawa sa iisang mundo. At least ngayon pag tinamad ako sa kaka-drawing ng baro't saya at mga hubad na katawan, meron na kong gagawing iba.

Ang title ng bagong project na ito ay "Makina". Wala pa kong maaaring i-reveal sa plot syempre. Basta ang masasabi ko lang ay naka-set ito sa near-future, almost present actually. Tapos urban city ang backgrounds at may interesting characters. Kung tititigan mo nang maigi yung poster sa taas, at makikita mo ang mga detalye, posibleng magkaroon ka na rin ng mga ideya kung tungkol saan ang kwentong ito. 

Anyway, last week pa kami nagbabatuhan ng ideas ni Noel at mukhang nabubuo na talaga ito. So this is going to be another epic! Excited na rin akong simulan ito. Abangan nyo ha! Here's a few more images to tease you:

Tags: