Frame by Frame Animation Test

Matagal ko nang gusto subukan gumawa ng animation na frame by frame. Ito yung old school na paraan ng pag-animate kung saan iguguhit ang bawat isang frame. May kakaiba itong dating kung ikukumpara mo sa mga gawa sa flash at after effects. Lalo na kung hindi mo lilinisin ang bawat linya dahil nakakadagdag ng character yung 'roughness' nito. Naisip ko na kung gagawing animated film ang "Tabi Po", ganitong style ang bagay kasi ganito rin naman ang style ko ng pagguhit sa komiks.

Narito ang lahat ng frames na ginuhit at kinulayan ko gamit ang photoshop: