"Pakikisalamuha" - from comic to animated film

Noong nakaraang linggo, pinakita ko sa facebook ang teaser na ito.

Ito ay patikim para sa animated version ng aking short comic story na pinamagatang "Pakikisalamuha" (<--click the link to read). Ito ay tungkol sa isang taong kaka-gradweyt pa lang na naghahanap ng trabaho ngunit wala pang tumatanggap sa kanya kaya nakatambay lang sya sa bahay habang naghihintay. Dahil dito, paulit-ulit syang nananaginip ng masama hanggang isang araw, may nagpakita sa kanyang isang diwata. Ito na kaya ang solusyon sa mga problema nya?  Una itong nabasa sa unang volume ng The QBCCC.

Sinusubukan kong isingit ang paggawa ng mga animations na ito sa pagitan ng paggawa ko ng mga raket at "Tabi po" komiks. At narito ang mga eksenang natapos ko na:

Sana na-enjoy nyo at na-excite kayong makita ang kalalabasan tulad ng pagka-enjoy ko habang ginagawa ko ang mga ito. Sinusubukan ko ring ako ang mag-record ng boses at gumawa ng sound design. First time ko gagawin ang mga yun kaya wish me luck! Di ko alam kung kailan ito matatapos pero abangan nyo lang sa website na ito ang announcement. Ayos ba?