Tutorial 1: creating and using custom brushes in photoshop (Filipino)

Maraming mga available na photoshop brushes sa web pero sa buhay ng isang tao... o at least isang artist/designer, darating ang nakatakdang oras na kakailanganin mong gumawa ng sarili mong brush. Ito ay isang tutorial na nagtuturo kung paano ito ginagawa at kung paano ito gamitin para mas mapadali ang buhay mo sa pagpipinta digitally. Andito rin kung paano ko sya ginamit para magmukhang realistic na watercolor painting - isang trick na natutunan ko sa halos tatlong taong paggawa ng "Tabi Po"

Notes:
- Bago tayo magsimula, ipinapalagay ko na ang inyong kaalaman sa photoshop ay nasa intermediate na level. Kung nais n'yong matuto ng basic, maghanap kayo sa web tapos balik kayo dito.

- Paminsan-minsan, may maririnig kayong dumaraang eroplano, di maiiwasan yun kasi nasa Parañaque ako. Nasanay na yata kami sa MALAKAS na tunog ng eroplano dito kaya di ko na pinapansin kahit tulog ako. 

- Sa tuwing babanggitin kong "control" ang ibig sabihin nito ay "ctrl" key for windows o "command" key for mac. Para sa kin interchangeable ang terms na to. Nililinaw ko lang para di kayo malito sa tutorial.

Ok game! 

Ok. Sana marami nga kayong natutunan mga bata. Hindi lang to applicable sa paggawa ng mga dahon. Subukan n'yong mag-experiment ng mga settings at sarili n'yong pattern ng brush. Sigurado akong pwede kayong makagawa ng isang buong siyudad gamit ang isa o dalawang brushes lang sa loob ng trenta minuto, pag na-master nyo na to.

Kung may comments o suggestions kayo for tutorial o kung nais nyo mamahagi ng sarili nyong artwork na ginawa mula sa tutorial na to, i-type nyo na lang sa baba, sa facebook comments section.

Tags: