Tutorial 2: Coloring TABI PO - style (Filipino) in under 30 minutes!

Sa tutorial na ito, ipinakita ko kung paano ako magkulay ng komiks ko na "Tabi Po". Simpleng proseso lang to. Flat colors lang ang ginagamit. Hindi masyadong mabusisi (minsan lagpas-lagpas) pero maganda ang effect. Halos parehong proseso lang din sa ginawa kong tutorial dito.

Gumamit din ako dito ng mga custom brushes na sarili kong gawa (pumunta sa tutorial na ito para malaman kung paano gumawa ng custom brushes). Ina-assume ko na may intermediate knowledge na kayo sa photoshop kasi gumagamit ako ng mga keyboard shortcuts tulad ng 'B' for brush tool o 'E' for eraser tool. Di ko na binabanggit kung anong mga buttons ang pinipindot ko kasi ipinapalagay ko na alam nyo na ang mga to. Ok. Simulan na natin. 

Ok. Sana marami kayong natutunan. Subukan nyo ring mag-experiments sa blending options ng mga layers (multiply, screen, overlay, etc.). At syempre, tulad ng sinabi ko sa video, ito ang pinili kong istilo kasi madaling gawin (flat colors lang). Pero mag-experiment at mag-explore lang kayo ng iba-ibang techniques. Malay nyo, baka mahanap nyo ang style na mas komportable kayo. Ok. hanggang sa susunod uli! bye!