Tutorial 3: How to animate 2D characters in After Effects - ADVANCED

Hello ulit mga Halimaw!

Kung mapapansin n'yo doon sa mga recent animation projects ko, gumamit ako ng mga 2D cartoon characters:

HAPPY BIRTHDAY PRINCESS!
COMBATRON FAN VIDEO
PHOTOBOOTH UAE

At kung gumagamit kayo ng After Effects, alam n'yo siguro kung gaano kabusisi i-animate ang mga ganitong karumaldumal na mga bagay. Halimbawa, kailangang mano-mano mo pagalawin ang shoulder, upper arm, lower arm at hand para lang pagalawin ang buong braso nito. Pero mayroon palang paraan para maging minimal lang ang kailangan mong galawing parts, tapos susunod na ang ibang parts. Ihinahambing ko ito sa isang "paper doll puppet" na may strings. Pag hinila mo ang string sa kamay automatic na magagalaw mo rin yung buong braso. Para maintindihan nyo, eto:

Ang tawag pala sa hinayupak na ito ay Inverse Kinematics. May isang taong nagngangalang Duduf (French guy) na nagmagandang-loob na gumawa ng plugin para dito. Panoorin ang full tutorial na ito na nakalap ko sa internet para malaman kung paano gamitin ang plugin na ito. 

Download the AE plugin here

O di ba? Galing no? Mukha syang mahirap pero malaking tulong ito sa buhay. Hindi sya ang solusyon sa kahirapan pero napapadali nito ang pag-animate ko sa characters at mas nagmumukha pa itong natural.  So sinunod ko lang ang tutorial na ito at in-explore pa yung ibang capabilities ng plugin (i-explore n'yo rin!) kaya ko nagawang i-animate nang mabilis ang mga characters na ginawa ko. 

At heto pala yung itsura ng mga characters na ginawa ko pag hinati-hati:

Yung iba, drinowing ko talaga sa papel at ini-scan. Pero yung iba naman sa ipad app na "Paper" ko sya ginawa. Astig kasi yung app na yun! Parang totoong art tools ang gamit mo. Heto yung app na yun:

Ayun lang naman. Sana natuwa kayo sa ibinahagi kong bagay ngayon. At oo nga pala, Sa mga interesadong mag-aral ng after effects, wala na kayong ibang kailangang gawin kundi bumisita sa website ni Andrew Kramer! www.videocopilot.net. Mayroon syang tutorial doon ng basics. Andun na lahat ng kailangan mo. Sa panahon ngayon, kung mayroon kang gustong matutunan, pwede mo na makita sa internet! Wala ka nang excuse maging ignorante. Anyway, doon ko rin natutunan lahat. At si Andrew Kramer ay isang alamat! Alam mo yung mga lens flare ni JJ Abrams sa mga movies at tv series nya? Si Andrew ang may kagagawan nun!

O s'ya! hanggang sa muli! Paalam!